Pinabubunyag ng PPCRV o Parish Pastoral Council for Responsible Voting sa gobyerno kung sinu-sino ang mga barangay opisyal na sangkot sa iligal na droga.
Ayon kay Arwin Serrano, national secretary ng PPCRV, mas makatuwiran ang legal alternative na sibakin na lamang ang mga barangay officials na dawit sa iligal na droga kaysa ipagpaliban ang October 23 Barangay Elections at magtalaga ng mga bagong opisyal.
Sinabi ni Serrano na dapat ay kasuhan na lamang ang halos 40% ng mga barangay officials na dawit sa illegal drugs operations.
Inihayag ni Serrano na dapat gawing pangunahing usapin ang iligal na droga sa campaign period para maging awarde ang mga botante.
By Judith Larino