Dapat umanong ituro ng gobyerno sa mga Pilipino kung ano ang mga bagay na dapat ireklamo sa hotline 8888.
Ito ay ayon kay Maria Fe Mendoza, dean ng University of the Philippines National College of Public Administration and Governance (UP-NCPAG).
Sinabi ni Mendoza na batay sakaniyang impormasyon mula sa mga nangangasiwa sa 8888 hotline, nakakatanggap sila ng mga reklamo kahit walang kinalaman sa katiwalian at red tape.
Gaya na lamang aniya ng away mag-asawa, utang, mga aksidente, krimen at tulong pinansyal.
Ani Mendoza, mas maganda kung nasasala ang mga pumapasok na tawag para mas lalo pang maraming tao ang naseserbisyuhan ng naturang hotline.
Maganda sana aniya ang proyekto dahil nahihikayat nito ang publiko na magsumbong ukol sa red tape at katiwalian ngunit kailangan lamang umano na mabigyan ng tamang impormasyon ang publiko hinggil sa paggamit ng hotline 8888.
Inilunsad nuong 2016 ang 8888 hotline.