Malabo pa umanong makamit ng Pilipinas ang tinatawag na herd immunity sa COVID-19 hanggang sa sumapit ang taong 2033.
Ito ang babala ni Sen. Panfilo Lacson makaraang punahin nito ang mabagal na vaccination program ng gubyerno kontra sa nasabing virus.
Ayon kay Lacson, dapat mag-doble kayod ang gubyerno para mabakunahan ang mga nasa priority list nito nang sa gayon ay maisunod na ang publiko na mabakunahan laban sa nakahahawang sakit.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), aabot pa lamang sa mahigit 114, o nasa mahigit 11% pa lang ang natuturukan ng bakuna mula nang magsimula ang programa pagpasok ng buwang kasalukuyan.