Dapat umanong bukas ang gobyerno sa paggamit ng iba pang testing methods at teknolohiya para mapatatag ang pagtugon ng bansa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ay ayon kay National Task Force Against COVID -19 deputy implementer and testing czar Vince Dizon.
Gayunman, nilinaw ni Dizon na bago naman gamitin ang isang testing methods ay dapat itong dumaan sa ebalwasyon para mapatunayan ang kawastuan at bisa nito.
Ani Dizon, napakabilis at napak-innovative ng mga technology sa COVID-19 testing na nakita sa mga nakaraang buwan at mahalagang maging handa at mabilis ang pag-adapt ng Pilipinas.
Tinutukoy rito ni Dizon ang patungkol sa rapid antigen at breath testing na ginagamit na sa Estados Unidos.