Dapat na maging maingat ang gobyerno sa pakikipag kasundo sa Marcoses kaugnay sa alok na pagsasauli ng umanoy ill-gotten wealth ng mga ito kabilang na ang ilang gold bars.
Ito ayon kay Senate President Koko Pimentel ay kung may kaukulang kondisyon ang naturang alok ng Marcoses.
Sinabi ni Pimentel na kung isa itong uri ng settlement hindi dapat pumayag ang pamahalaan na kaunti lamang ang ibalik ng mga Marcos kundi ang kabuuang ninakaw ng mga ito.
Binigyang diin pa ni Pimentel na kung ibibigay ng mga Marcos ang kanilang unexplained wealth bilang donasyon dapat itong tanggapin ng gobyerno subalit hindi ito dapat maka apekto sa kaso o pagbasura sa kanilang mga kaso.
By: Judith Larino / Cely Bueno
SMW: RPE