Dapat maging transparent ang gobyerno sa publiko kaugnay sa pag-aangat ng bakuna kontra coronavirus disease 2019(COVID-19) sa bansa.
Ito ayon kay Dr. Beaver Tamesis, presidente ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP), upang magtiwala ang mga Pilipino na magpaturok ng bakuna.
It’s very important on the transparency on buying a vaccine,” ani Tamesis
Dagdag pa ni Tamesis, na linawin sa publiko ang lahat ng impormasyon ng bakuna upang maliwanagan kung gaanong importante ito.
Dapat malinaw sa publiko ‘yung kinukuha nating bakuna,” ani Tamesis —sa panayam ng Teka Teka alas-4:30 na!
Samantala, ani Tamesis, na ituloy pa rin ang lahat na vaccination program na nakalatag sa Department of Health (DOH) para makaiwas ang mga Pinoy sa anumang uri ng sakit. —sa panulat ni John Jude Alabado