Umaapela ang grupo ng health professionals sa gobyerno na maging transparent sa usapin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines.
Ayon sa Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC), nakakaalarma ang pagpapaturok ng mga sundalo ng bakunang hindi pa rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA).
Sinabi ng HPAAC na mahalagang maging transparent ang pamamahagi ng bakuna kapag naaprubahan na ito dahil nangangailangan ang bakuna ng mabusising storage at transportation.
Apela ng grupong binubuo ng mahigit 160 health profession organizations na tugunan ng gobyerno ang mga concern kaugnay sa bakuna ng mga miyembro ng Presidential Security Group at gabinete na pangunahing usapin dito.