Hinikayat ni Vice President at presidential aspirant Leni Robredo ang gobyerno na makipag-ugnayan sa mga pharmaceutical company kaugnay sa kakulangan ng mga gamot sa ilang drugstores at mga pharmacy.
Matatandaang kumalat ang balitang nagkakaubusan na sa mga botika ang mga gamot partikular na ang paracetamol pero itinanggi ito ng DOH maging ng dti at sinabing sapat ang suplay ng gamot sa bansa.
Ayon kay VP Leni, dapat tutukan ng pamahalaan ang problema ng bansa at iba pang kailangan ng mga pasyente upang maiwasan ang sa kakulangan sa gamot.
Sa ngayon, inaayos na ng pamahalaan ang naturang isyu kung saan, nangako ang pharmaceutical companies na magre-restock ng paracetamol at iba pang pangunahing gamot sa mga botika. —sa panulat ni Angelica Doctolero