Hinimok ng Sugar Producers Federation (SPF) ang gobyerno na pigilan ang local traders na mag-imbak ng asukal na nagdudulot ng artificial shortage at pagtaas ng retail prices.
Ayon kay Manuel Lamata, pangulo ng grupo, dapat na suriin ng Department of Agriculture, Department of Trade and Industry at nang Sugar Regulatory Administration ang mga warehouse ng local traders para masolusyunan ang isyu.
Paglilinaw niya, walang shortage dahil maraming asukal na nasa bodega ng mga ito.
Samantala, sinabi ni Lamata na patawan ng kaso kaugany sa economic sabotage ang sinomang mapapatunayang nag-iimbak ng naturang suplay.