Dapat ng i-pressure ng gobyerno ang China upang buwagin ang mga sindikatong Chinese na nag-eexport ng iligal na droga sa Pilipinas.
Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon, kung talagang kaibigan ang Tsina ay ito mismo ang haharang sa mga drug shipment na pumapasok sa Pilipinas tulad ng 6.4 billion pesos na halaga ng shabu na nakalusot sa Bureau of Customs o BOC.
Inihirit din ni Gordon kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel na himukin ang Department of Foreign Affairs o DFA na magpadala ng note verbale sa Beijing at igiit ang pagpapatigil sa drug smuggling activities.
Noong isang taon, hiniling din ng committee chairman sa DFA na magpadala ng note verbale sa Tsina matapos ang Senate inquiry na tumutukoy sa mga Chinese syndicate na nasa likod ng pagpupuslit ng malaking supply ng droga sa Pilipinas.
By Drew Nacino