Muling tiniyak ni Pangulong Noynoy Aquino na hindi nito isusuko sa China ang West Philippine Sea.
Ayon sa Pangulo, ipagtatanggol nila ang karapatan sa exclusive economic zone ng bansa sa abot ng makakaya ng pamahalaan.
Giit ni Aquino, nakatutok sila sa dalawang diskarte para kontrahin ang China tulad ng arbitration at pagsusulong sa ASEAN ng paglikha ng isang binding na code of conduct.
Inamin din ng Pangulo na nakikipagtulungan sila sa Estados Unidos para mapalakas ang maritime awareness ng bansa sa naturang teritoryo.
By Jelbert Perdez | Aileen Taliping (Patrol 23)