Hindi kailangang mangutang ang gobyerno para sa kinakailangang pondo kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ayon kay ACT Teachers Party list Representative France Castro ay dahil mayruon namang mapagkukunan ng pondo mula sa realignments ng 2020 budget at 2019 continuing appropriations tulad ng halos P10-B confidential at intelligence funds.
Pinare repaso rin ni Castro ang mga protgramang pang imprastruktura upang maire program at ma-reallocate sa mga pangangailangang medikal at socio economic sa gitna ng krisis.
Sinabi ni Castro na ini ulat ng Pangulong Rodrigo Duterte na P189. 9-B mula halos P373-B special purpose fund ay nagamit na.kayat mayruon pang halos P183-B na uubra pang gamitin na dapat ding i-report ng pangulo sa publiko.