Hindi maaaring payagan ng gobyerno na magbalik-operasyon ang lahat ng uri ng transportasyon bunsod ng nagpapatuloy pa ring banta ng coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagama’t nauunawaan ng Palasyo ang sentimyento ng mga mananakay, kailangang limitahan ang biyahe at kapasidad ng mga public utility vehicles (PUVs) upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Giit Roque, kung ibabalik ang siyento-por-siyentong operasyon ng mga PUVs sa mga kalasada ay masasayang lamang ang mga hakbang ng pamahalaan para mapa-flatten ang ‘curve’ at mapababa ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.