Isang tanong, isang sagot ang apela ng Alliance of Concerned Transport Organizations sa pamahalaan kaugnay sa kapalaran ng mga tradisyunal na jeepneys.
Ayon kay Efren De Luna, pangulo ng ACTO, diretsuhin na ng gobyerno kung makakalabas pa ba ang traditional jeepneys o hindi na.
Puro paasa aniya pahayag ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan hinggil sa kanilang kalagayan.
Una nang sinabi sa kongreso ng LTFRB na papayagan nang pumasada ang mga tradisyunal na jeepneys at uv express sa susunod na linggo.
Gayunman, sa kanyang press briefing, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala pang katiyakan ang pagbabalik pasada ng mga jeepneys dahil papayagan lamang sila kapag nakitang kulang pa ang mga bus at modern jeepneys para maserbisyuhan ang mananakay.