Doble kayod ang gobyerno para mapalakas ang ekonomiya ng bansa at matuguna ang problema sa kagutuman.
Binigyang diin ito ni Senador Bong Go kasunod nang patuloy na pagsusumikap ng Pangulong Rodrigo Duterte na makalikha ng trabaho kahit mayruong pandemya ng COVID-19.
Ito ay matapos pumalo sa negative 9.5% ang economic contraction nuong 2020 na pinakamababa sa kasaysayan ng Pilipinas mula nuong 1947.
Sinabi ni Go, na unti unting binubuksan ng pamahalaan ang ekonomiya ng bansa para makabalik na sa normal ang pamumuhay ng mga Pilipino.
Mahigpit pa rin aniyang tinututukan ng administrasyon ang kahirapan, pagkagutom, trabaho at bakuna kontra COVID-19 at iba pa.