Gagamitan na ng pamahalaan ng makabagong teknolohiya ang pagmomonitor sa mga isinasagawang mga proyekto sa buong bansa.
Ito ang inihayag ni DPWH o Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar sa press briefing sa Malakanyang upang mabawasan na ang mga potensyal na katiwalian.
Aniya, gagamit ang DPWH ng mga monitoring softwares tulad ng geo tagging, paggamit ng drones at mga pictures.
Dagdag ng kalihim, nagtatag na rin ang DPWH ng task forces para sa usapin ng right way na kadalasang dahilan ng pagkakantala sa proyekto.
Sinabi pa ni Villar na asahan na ang mas maraming pagbabago sa bansa dulot ng mga nasimulan at nakalinya pang proyekto ng pamahalaan.
By Krista De Dios | With Report from Aileen Taliping