Gagastos ng mahigit 32 million pesos ang pamahalaan dahil sa pagkaantala ng halos kalahati ng mga flood control projects ng Metropolitan Manila Development Authority.
Batay sa 2023 report ng Commission on Audit, 22 proyekto na may pondong mahigit 510 million pesos ang hindi nakumpleto sa ilalim ng kontrata, dahilan para maantala ito ng 310 araw.
Babayaran ng gobyerno ang nasabing halaga, saklaw ng limang taon mula 2018 hanggang 2023, bilang commitment fees sa creditor banks.
Ang commitment fee ay isang non-refundable charge na ipinapataw ng mga nagpapautang sa mga nanghihiram na may hindi na-withdraw na balanse ng utang.
Kaugnay nito, 29 na proyekto rin na nagkakahalaga ng mahigit 371 million pesos ang hindi naipatupad dahil sa kanselasyon at kabiguang magsagawa ng maagang bidding para sa proyekto. – Sa panulat ni Laica Cuevas