Halos Tatlong Daang Milyong Piso ang ginastos ng gobyerno sa 12 foreign trips ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinabatid ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na sa lahat ng foreign trips ng Pangulo ang biyahe nito sa China at Japan ang pinakamabunga dahil sa investments at bilyong Dolyar na pangakong tulong sa bansa.
Ayon kay Abella sa China Trip ng Pangulo dalawampung kasunduan na may kabuuang halaga na 4 Billion Dollars ang nilagdaan samantalang 1. 8 billion Dollars naman ang sa Japan.
Ang mga nagastos sa biyahe ng Pangulo ay ginamit sa airfare, charter lease at iba pa kasama na ang mga delegasyon na kinabibilangan ng mga miyembro ng gabinete.
Bukod sa China at Japan binisita rin ng Pangulo ang Brunei, Laos, Indonesia, Vietnam, Thailand, Malaysia, Peru, New Zealand, Cambodia at Singapore.
By : Judith Larino / Aileen Taliping