Muling tiniyak ng Malacañang sa publiko na handa ang pamahalaan sa La Niña phenomenon.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma Jr., may nakalatag nang comprehensive program upang maibsan ang magiging epekto ng La Niña sa mga komunidad.
Giit ni Coloma, kasama sa programa ang agrikultura, flood control at disaster risk reduction measures para sa mga lokal na pamahalaan.
Una nang ibinabala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na asahan na ang pagpasok ng La Niña sa Hulyo at posibleng mas tumindi pa ito sa huling quarter ng taong kasalukuyan.
By Jelbert Perdez