Handa ang pamahalaan na bawasan ang epekto ng El Niño phenomenon sa bansa.
Sinabi ni Science Secretary Mario Montejo na naka-posisyon na ang mga mekanismo ng pamahalaan para e monitor ang pinakahuling weather patterns na dala ng El Niño.
Sa kanyang talumpati sa Department of Science and Technology-Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) special meeting, inilahad ni Montejo ang mga highly modernized tracking at improved forecasting capability ng PAGASA.
Dumalo rin sa pagpulong sila Agriculture Secretary Proceso Alcala at Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization Francis Pangilinan.
By Mariboy Ysibido