Handa na ang gobyerno sa mga ilulunsad na pag-atake ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).
Ito ang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagbisita sa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City, Misamis Oriental para silipin ang labi ng tatlong (3) sundalong pinatay ng CPP-NPA at makiramay sa kanilang pamilya.
Ayon kay Pangulong Duterte, hahayaan niyang ang mga rebelde ang unang umatake at hindi militar ang unang gagawa ng hakbang o papasok sa kampo ng mga komunista.
Nakahanda na rin anya ang mga asset ng militar na maaaring i-deploy anumang araw.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Drew Nacino