Nilinaw ng Malakaniyang na hindi nagdeklara ng All Out War si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa NPA o New People’s Army.
Ito’y makaraang utusan ng Pangulo ang AFP o Armed Forces of the Philippines na pumatay ng limang NPA sa bawat isang sundalong mapapatay ng mga rebelde.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nais lamang ipunto ng Pangulo kay CPP-NPA Founder Jose Maria Sison na hindi nila dapat pinagbabantaan ang gubyerno.
Marami aniyang resources ang pamahalaan at kaya nitong lipulin ang lahat ng mga rebelde kung hindi nito igagalang ang estado bilang isang lehitimong institusyon.
Kung tutuusin ani Roque, handa ang sandatahang lakas ng Pilipinas na sumabak sa giyera kung nanaisin nito dahil hindi hamak na mas malaki ang kakahayan ng AFP kumpara sa mga rebelde.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio