Hinikayat ng International Monetary Fund o IMF ang pamahalaan ng Pilipinas na baguhin ang tax regime ng bansa upang mapabuti lalo ang economic conditions nito.
Ayon kay Chikahisa Sumi, ang inatasang head ng IMF para sa isinasagawa nilang mission ngayong linggo, kinakailangan ang pag-overhaul sa tax regime para mapondohan ang pagpapabuti ng inprastruktura at social services.
Para aniya magawa ito, dapat tumaas ang mga revenue o nakokolektang pera sa medium-term period para matupad ang pagpondo sa mga proyekto.
Giit naman niya, posible pa ring babaan ang buwis ng mga sumesweldo at mga korporasyon kahit matupad ang mas bagong tax regime ngunit higher consumption taxes naman ang kapalit nito.
Samantala, pinapaluwagan niya ang deposit secrecy laws upang mapayagan ang fiscal authorities ng gobyerno na tignan ang mga bank account ng ilang indibidwal at makahanap ng ebidensya laban sa tax evaders.
By Kevyn Reyes