Hinikayat ni Congresswoman Juliette Uy ang gobyerno na ikunsidera ang pagpo-produce ng sariling coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines sa bansa.
Sinabi ni Uy na kung hindi pa handa ang bansa para sa maramihang cold storage facilities ay dapat pag-aralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pag-manufacture ng bansa ng mga bakuna.
Maaari aniyang magsagawa ng locally produced na COVID-19 vaccines sa mga industrial estate tulad ng Phividec sa ilalim ng lisensya ng original manufacturers.
Bukod dito, ipinabatid ni Uy na mangangailangan ang bansa ng ligtas na lugar kung saan maaaring iimbak ang mga bakuna at iba pang supply para sa hinaharap.
Maliban sa mga residente ng bansa, isasailalim rin sa pagbabakuna ang mga umuuwing balikbayan at Overseas Filipino Workers (OFWs), foreign tourists, crew ng international airlines, passenger ships. cargo ships, personnel ng mga foreign embassy at international regional headquarters mating ang visiting foreign troops.