Hinikayat ng isang eksperto ang gobyerno na paghandaan na ang pagbili ng 2 anti-covid drugs na kaya aniyang puksain ang lahat ng variant ng respiratory disease.
Ayon kay OCTA Fellow Fr. Nicanor Austriaco, dapat bumili na ang Philippine government ng Molnupiravir ng Merck at Paxlovid ng Pfizer na pawang American Pharmaceutical Companies.
Matatandaang inirekomenda ng isang ‘panel of experts’ mula sa Food and Drug Administration (FDA) ng Amerika ang authorization ng Molnupiravir bilang lunas kontra Covid-19 matapos umanong mapatunayan ang bisa nito.
Nag-isyu na rin ang FDA ng Pilipinas ng compassionate special permit para sa paggamit ng nasabing gamot sa ilang ospital. — Sa panulat ni Hya Ludivico