Nababahala si Senador Sherwin Gatchalian na dumami ang mga mahihirap na makararanas ng gutom kung hindi agad magpapatupad ng agarang solusyon ang pamahalaan para agapan ang pagtaas ng inflation sa bansa.
Iginiit ng Senador na siyang Chairman ng Committee on Economic Affairs na mahigit sa kalahati aniya ng nararamdamang inflation o 51 percent ay mula sa food inflation o pagtaas ng presyo ng mga pagkain.
Dahil dito, hinimok ni Gatchalian ang gubyerno na ipatupad ng buo ang expanded cash transfer upang suportahan ang may sampung milyong mahihirap na pamilyang Pilipino.
Dapat din aniyang papanagutin at kasuhan ang lahat ng mga negosyante na nagsasamantala sa presyo ng mga bilihin bago pa man ganap na maisabatas ang tax reform measures ng administrasyon.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Cely Ortega-Bueno
Posted by: Robert Eugenio