Hinimok ni Former Socioeconomic Plannning Secretary Ernesto Pernia ang pamahalaan na palakasin pa ang sektor ng agrikultura sa bansa para matugunan ang tumataas na presyo ng bilihin.
Nabatid na pumalo na sa 8.1 % noong December 2021 ang inflation rate dahil sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng sibuyas, karne, asukal, isda, harina at iba pa.
Giit pa ni Pernia, kailangang pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang nasabing sektor gaya ng ginagawa ng ibang bansa.
Sa datos, nasa 2- 3 % lamang ang kontribusyon ng agrikultra sa ekonomiya ng Pilipinas.