Binigyang diin ng pamahalaan, na sapat ang kanilang pondo ngayong taon na maaaring gamitin sa repatriation efforts ng mga OFW bunsod ng kaguluhan sa Sudan.
Iginiit ng pamahalaan, na walang isyu sa pondo ang gobyerno para sa paglilikas ng mahigit apatnaraang Pilipino sa nabanggit na bansa kundi ang mabigat na hamon sa mga OFW sa kanilang pagtawid sa Cairo, Egypt.
Bukod pa dito, hirap din ang gobyerno sa pakikipag-ugnayan sa mga pilipino dahil sa mahinang komunikasyon.
Nabatid na aabot sa tatlong bilyong pisong pondo ang inilaan ng gobyerno para suportahan ang mga Pilipinong apektado ng giyera sa Sudan.