Inaasahan na ng gobyerno ang posibleng pagkaantala ng pagdating ng mga bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Partikular dito ang mga bakuna mula sa India ng Bharat Biotech na Covaxin.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dahil sa nangyayari ngayon sa India, inihinto muna ng mga ito ang kanilang commitments sa ibang bansa.
Gayunman, sinabi ni Vergeire na flexible naman ang plano ng pamahalaan sa ganitong klase ng mga sitwasyon.
Magugunitang nabatid na mayroong nakatakdang dumating na 8 million doses ng Covaxin sa bansa sa katapusan ng Mayo.