Handa na ang gobyerno sa tatlong araw na National COVID-19 Vaccination Program na aarangkada sa November 29 hanggang December 1.
Ayon kay Acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kasado na ang lahat ng kailangan tulad ng deployment hanggang sa regional level maging ang pakikipag-ugnayan ng national government sa local government units.
Nagpulong na rin anya ang IATF at patuloy nilang mino-monitor at ipina-panawagan sa publiko, lalo sa mga hindi pa bakunado, na samantalahing pagtanggap ng bakuna sa tatlong araw na national vaccination days.
Target ng pamahalaan na makapagturok ng 15 million COVID-19 vaccine doses sa mga nabanggit na araw, upang mapabilis ang pagkamit sa herd immunity. —sa panulat ni Drew Nacino