Kinalma ng isang grupo ng mga doktor ang gobyerno sa pagluluwag ng health and safety protocols kaugnay sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Umapela rin ang Philippine College of Physicians (PCP), maging sa publiko, lalo na sa mga senior citizen, na huwag magmadaling mag-gagala o palagiang lumabas ng kanilang mga bahay lalo na’t hindi naman kinakailangan kahit pa nabakunahan na.
Binigyang diin ni Dr. Maricar Limpin, pangulo ng PCP, na mababa pa rin ang vaccination rate o mga nabakunahan na sa bansa at sa katunayan ay wala pang 10% ng populasyon ang naturukan ng COVID-19 vaccine.
Dahil ditto, iginiit pa rin ni Limpin ang patuloy na pagsusuot ng face mask at face shield para sa dagdag na proteksyon laban sa virus.