Kumilos na ang gobyerno para hindi malubog ang mga Pilipino sa 5-6 o pautang na mataas ang interes mula sa ilang Indian Nationals.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, nakatakdang ilunsad ngayong buwan sa pamamagitan ng Department of Trade and Industry ang “pondo sa pagbabago at pag-asenso program” o P3 program na sisimulan sa Mindanao, Sarangani, at Leyte.
Sa ilalim ng nasabing programa, maaaring makautang ang publiko mula 5000 hanggang 300,000 at may interes na 26 percent kada taon at hindi kailangan ang collateral.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping