Kumikilos na ang gobyerno para makabawi sa bagsak na assessment ng European Union sa training ng Pinoy Seafarers.
Kasunod na rin ito nang isinagawang pulong ng mga kinatawan ng bansa at Senior European Union Officials sa belgium upang makapag comply ang bansa sa maritime safety protocols.
Nakipag pulong sa panig ng Pilipinas ang grupo ni Marina Chief Vice Admiral Robert Empedrad sa delegasyon naman ni Director Henrik Hololei at iba pang opisyal ng European Commission Directrorate General for Mobility and Transportation.
Ang nasabing pulong ayon sa EU ay magandang pagkakataon para malinaw ang mga panuntunan ng grupo kaugnay sa education, training at certification system ng mga Marinong Pilipino.