Posibleng mabigo ang gobyerno na makamit ang target na 5M doses ng bakuna, na ituturok sa ikatlong national vaccination drive sa bansa.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, sa 5M doses na target, 2.6M pa lamang dito ang naipapamahagi.
Bagama’t pinalawig ang ikatlong bayanihan, bakunahan hanggang Pebrero 18, aminado si Cabotaje na hindi ito maaabot ng gobyerno.
Hanggang kahapon, Pebrero 16, nasa 61.9M Pilipino pa lamang ang nabakunahan sa bansa kung saan 9.3M ang nakatanggap ng booster shot. —sa panulat ni Abigail Malanday