Nakatakdang maglaan ang gobyerno ng 2 billion peso budget sa susunod na taon para sa paglalatag ng nakatenggang National Identification System sa Kongreso.
Ito, ayon kay Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua, ay upang mapakinabangan ng mahigit 100 milyong Pilipino simula sa taong 2020 ang nasabing panukalang batas.
Nakapaloob sa national ID ang biometrics data upang matukoy kung ang isang indibidwal ay maaaring tumanggap ng mga subsidiya, diskwento at tax exemptions sa alinsunod ng batas.
Sa oras anya na maisabatas, “by batch” anyang ilalabas ang national ID at kabilang sa mga unang makatatanggap nito ay mga senior citizen at persons with disabilities.
By Drew Nacino
Gobyerno maglalaan ng P2-B para sa national ID system was last modified: July 7th, 2017 by DWIZ 882