Maglalaan ang pamahalaan nang P45 bilyong para sa karagdagang COVID-19 vaccine sa susunod na taon.
Ito ang tiniyak ni Finance Secretary Carlos Dominguez III, ang availability ng pondo sa ilalim ng national budget sa susunod na taon na gagamitin sa pagbili ng bakuna at booster shots.
Dagdag ni Dominguez, kailangan nilang alamin kung saan ilalaan ang naturang pondo upang malaman kung saan ilaan ang mga ito.
Sinabi pa ng kalihim na hindi na mahihirapan ang bansa sa pagbili ng bakuna ngayong taon at sa susunod na taon.
Una nang naglaan ang pamahalaan ng P85 billion para sa pagbili ng 140 million doses ng bakuna para sa 70 million adult Filipinos.
Manggagaling ang pondong ito sa pondo ng Department of Health sa ilalim ng 2021 national budget, Overseas Development Assistance (ODA) financing, at contingent funds.