Magpapatupad ng bagong protocol ang pamahalaan para sa mga umuuwi sa kani-kanilang probinsya.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, isasalang na sa PCR test ang lahat ng mga uuwi sa probinsya Overseas Filipino Workers (OFW)’s man ito, i-stranded o kalahok sa Balik Probinsya Program.
Sa harap ito ng reklamo ng ilang lgu’s na dating walang coronavirus disease 2019 (covid-19) case subalit napasukan ng COVID-19 positive mula sa mga nagbalik probinsya.
Sinabi ni Roque na hindi naman maituturing na lapses ito sa panig ng pamahalaan kundi isang kaso lamang ng kakulangan ng test kits para sa mga magbabalik probinsya.