Tinatayang nasa pitumpu’t apat na libong (74,000) trabaho ang kinakailangan ngayon sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno partikular sa Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH) at Philippine Army.
Ayon sa ulat, nasa mahigit labing walong libong (18,000) guro ang kinakailangan ng DepEd para magturo sa elementarya habang mahigit dalawampu’t isang libo (21,000) naman ang kinakailangang guro para sa high school.
Ang mga matatanggap sa entry level position ay tatanggap ng buwanang sahod na labing siyam na libong (19,000) piso.
Samantala, nasa dalawampung libong (20,000) bakanteng posisyon naman ang kailangan mapunan sa DOH kung saan kabilang sa mga kailangan ay mga doktor, nurses, mga midwife, dentista at iba pa.
Habang ang Philippine Army naman ay nangangailangan ngayon ng labing apat na libong (14,000) bagong recruits.
By Ralph Obina