Dagdag pasanin sa publiko ang pagpapataw ng bagong buwis o pagtaas ng buwis.
Ayon ito kay Senador Francis ‘Chiz’ Escudero, dahil mabagal ang paglago ng ekonomiya, mataas ang bilang ng mga walang trabaho at patuloy ang pagsipa ng inflation sa gitna ng plano ng Department of Finance (DOF) na buwisan ang single use plastics at online purchases tulad ng subscriptions sa streaming apps gaya ng Netflix.
Sa tingin ni Escudero, mas dapat unahin ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang pag remedyo sa loopholes o butas sa pangongolekta ng buwis, paglilinis at pagsasaayos sa koleksyon ng tax at duties ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR).
Pumapalo sa halos 200 billion pesos aniya ang hindi nakokolektang buwis dahil sa korupsyon at kawala ng kakayanan o inefficiency. —sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)