Iginiit ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kapangyarihan ng gobyerno para i-take over ang mga hotel at motel na magagamit na pasilidad para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients.
Kasunod na rin ito ng pahayag ni Health Secretary Francisco Duque na inatasan na nila ang mga ospital para magreserba ng hotel rooms na maaaring paglagyan kaagad ng mga doktor at nurse na nag positibo sa COVID-19.
Ayon sa pangulo, uubrang i-take over ng gobyerno ang mga hotel at motel para sa mga nagpositibong doktor at nurses sakaling kulangin ang halfway houses at kaagad puntahan at sabihin lamang na gagamitin ito ng medical frontliners.