Nanawagan ang pamahalaan sa iba pang biyahero na umuwi sa bansa mula sa South Africa na lumantad at magpasuri para na rin sa kanilang kaligtasan at ng kanilang pamilya.
Hinimok ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang naturang mga pasahero na kusa nang makipag-ugnayan sa pamahalaan.
Aniya, may katapat na parusa ang pagsisinungaling sa mga impormasyong ibinibigay sa gobyerno lalo na sa panahon ng public health emergency ngunit hangga’t maaari aniya ay last resort na ang pagsasampa ng kaso.
Gayunman, nilinaw ni Nograles na hindi tinatakot ng pamahalaan ang mga biyahero at tanging kooperasyon lamang ang kanilang hinihiling sa mga ito.