Tiniyak ng Malacañang na may sapat na pondo para tustusan ang pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyong Nona.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, mayroon pang P4 bilyong pisong natitira ang gobyerno mula sa calamity funds.
Habang may P6 na bilyong piso naman ang magmumula sa savings ang maaari pang gamitin para sa relief at rehabilitation.
Batay sa naging ulat ni Budget Secretary Butch Abad, ginagamit na ngayon sa mga nasalanta ng bagyo ang quick response fund ng DBM.
Nais ng Pangulong Noynoy Aquino na gawing prayoridad ang mga nawasak na kabahayan at imprastraktura sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)