Mas nagkaroon na ng target ang gobyerno kung paano sosolusyunan ang matinding trapiko partikular sa EDSA.
Ayon ito kay MMDA EDSA traffic manager Bong Nebrija matapos tiyakin ng Pangulong Rodrigo Duterte na limang minuto na lamang ang magiging biyahe mula Cubao patungong Makati City simula sa buwan ng Disyembre.
Sinabi sa DWIZ ni Nebrija na positibo silang magagawa ito kayat kailangan ang pagkakaisa ng lahat hinggil dito.
So, now there’s a goal that has been set. So, kung dati pumuputok tayo sa dilim, ngayon nagkaroon na tayo ng target paper, so alam na natin ‘yung puputukan natin, (…) pero meron na kaming focus, now we focus on time and a date. Sabi niya, by December 2019. So ngayon, in the part of committed agencies na concern sa traffic and transport and management, talagang to work, mag-doubly hard,” pahayag ni Nebrija.