Mistulang ginagawang mangmang ng gobyerno ang Estados Unidos.
Binigyang diin ito ni Senador Panfilo Lacson matapos magbanta ang Pangulong Rodrigo Duterte na hindi irerenew ang Visiting Forces Agreement (VFA) kapag nabigo ang Amerika na maglaan ng 20-milyong coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine ng Pfizer sa Pilipinas.
Sa kanyang tweet, sinabi ni Lacson na dahil sa bantang “no vaccines no VFA” ni Duterte, maaaring mauwi na nga lang ang Pilipinas sa pagbili ng Sinovac vaccine ng China kaysa sa US-made na Pfizer BioNTech at Moderna vaccines.
No vaccines no VFA! Treating the Americans like a bunch of yokels might have sealed our fate to settle for China’s Sinovac in lieu of the US made Pfizer BioNTech and Moderna vaccines.
— PING LACSON (@iampinglacson) December 28, 2020
Magugunitang noong nakalipas na Inter-Agency Task Force briefing, tinukoy ng pangulo na malapit nang mapaso ang VFA at hindi niya ito irerenew kapag hindi nakakuha ang Pilipinas ng Pfizer vaccine. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)