Kinalampag ng sektor ng mga nurses ang gobyerno na sundin ang batas para sa tamang pasahod sa mga nurses.
Kasunod na rin ito ng patuloy na mababang suweldong tinatanggap ng mga nurses na nagtatrabaho sa gobyerno sa kabila ng batas na nagtatakda ng suweldong hindi bababa sa 24,000 pesos.
Ayon sa grupong “Ang Nars”, dapat ibigay ng gobyerno sa mga nurse ang angkop na suporta , sa halip na magtiis sa suweldong wala pa sa P20,000 .
Sa ilalim ng Nursing Act of 2002, ang basic pay na dapat ibigay sa mga nurses na nagtatrabaho sa mga pampublikong hospitals ay hindi dapat bababa sa salary grade 15 o 24, 800 hanggang 26,800 pesos depende sa haba ng serbisyo sa gobyerno.
By: Aileen Taliping (patrol 23)