Alintana pa rin ng pamahalaan kung sakaling may mangyaring karahasan sa anumang panig ng Pilipilinas sanhi man ito ng mga dayuhan o kapwa Pilipino.
Ito ang pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kasunod ng pag-aaral na lumabas mula sa international watchdog na Britain-based global witness kung saan lumalabas na ang Pilipinas ang pinaka-delikadong bansa para sa mga lumalaban para sa kanilang karapatan sa lupain at maging sa mga environmental activist.
Sa nasabing pag-aaral, nasa 164 na magsasaka at land right activist ang nasawi worldwide noong nakaraang taon.
Sa nabanggit na bilang, 30 ay naitala mula sa Pilipinas.
Ayon kay Panelo, nagkakaroon ng mga pagpataya sa hanay ng mga ito dahil sa girian sa pagitan ng mga claimants ng lupain.