Puspusan na ang gobyerno sa paglalatag ng mga hakbang upang tugunan ang epekto ng inflation na dala ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ito ang tiniyak ng National Economic and Development Authority (NEDA) makaraang i-ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumilis ang inflation ng 4% noong Marso kumpara sa 3% noong Pebrero.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, simula pa noong Marso a – 17 ay nagpapanukala na ang Economic Development Cluster ng mga interventions upang mapangasiwaan ang epekto ng inflation sa ekonomiya at mga mamamayan.
Ang mataas na Inflation rates para sa Food at Non-food commodity groups ay resulta ng ‘mas mabilis na inflation’ noong Marso.