Naghahanap na ng paraan ang gobyerno upang maibenta sa merkado ang mga nasabat na sibuyas sa bansa.
Ito ang kinumpirma ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kasunod ng pagsampa sa P 300 ng presyo ng kada kilo ng bigas.
Matatandaang una rito, sinabi ni Agricuture Deputy Spokesman Rex Estoperez na hindi maaaring ibenta ang mga nakumpiskang sibuyas dahil masama ito para sa kalusugan na napatunayan sa pagsailalim ng produkto sa phytosanitary inspection.
Noong Hulyo pa walang suplay ng puti at dilaw na sibuyas sa pilipinas, habang wala ring inilabas na importation permit para dito.