Naghahanda na ang gobyerno para sa panibagong repatriation o pagbabalik sa bansa ng 100 pang Pinoy mula sa Afghanistan na una nang nakontrol ng Taliban fighters.
Ayon ito kay OWWA Chief Hans Leo Cacdac matapos dumating sa bansa nuong Martes ang 35 Pinoy na una nang ini-evacuate ng kani kanilang mga kumpanya mula sa Afghanistan.
Tinatrabaho na aniya ng DFA ang ikalawang repatriation flight para sa mga Pilipinong gusto nang umalis sa Afghanistan.
Kasabay nito, inihayag ni Cacdac na hindi lahat ng mga Pilipino sa Afghanistan ay nais umuwi ng Pilipinas na mas ligtas gawin sa ngayon.
Handa aniya silang tulungan ang mga umuuwing Pinoy, documented man o hindi.