Naghahanda na ang pamahalaan sakaling sumampa na sa 80 dollars per barrel ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Ayon kay Undersecretary Wimpy Fuentabella, spokesman ng Dept of Energy, nag uusap na ang DOE at ang economic managers ng pamahalaan upang mapagaan ang epekto nito sa sambayanan.
Sinabi ni Fuentabella na mayroong probisyon ang TRAIN Law na puedeng suspendihin ang excise tax sa mga produktong petrolyo sakaling sumampa ang presyo nito sa 80 dollars per barrel.
Sa ngayon, pumapalo na sa 78 hanggang 79 dollars ang presyo ng kada bariles ng langis.
Panibagong price increase tuloy na bukas
Nag anunsyo na ng price increase ang ilang kumpanya ng langis para bukas, Martes, September 25.
6:00 ng umaga, magkakabisa ang oil price hike ng Pilipinas Shell na kwarenta sentimos kada litro para sa gasolina, bente sentimo sa diesel at kinse sentimos para sa kerosene.
Ito na ang ika pitong sunod na linggong tumaas ang presyo ng produktong petrolyo.
Kung susumain mula Enero hanggang ngayong Setyembre, humihigit kumulang sa dose pesos na ang itinaas ng presyo ng produktong petrolyo.